Ganado akong pumasok bukas.
7:30 ang klase. Biophysics ang una.
10:30 naman ang Pol. Sci.
at 3:00 ang PE.
Uuwi ako ng 4:30.
Dadating ng 6.
Walang bago. Except, sa wala akong inaral ngayong gabi. Wala naman kasing dapat aralin at hilong hilo na ko sa kaka-aral. Hindi naman siguro masamang magpahinga..
Anyway, hindi ko talaga alam kung bakit ganado akong pumasok. 1AM na at gising pa ako. Madalas, kapag 7:30 ang pasok ko dapat gising na ako ng 6. 6:30 dapat aalis na ako ng bahay. At kapag lumagpas ng 6:30, mapapa-taxi na ako at magwawaldas ng 100 piso. Kung may sukli, salamat. Kung wala, MERON yun. Ayaw lang ibigay ni manong.
Biophysics.
Bago kong favorite. Mabait si ma’am. Magaan magturo. Kaya lang, may quiz pagkatapos ng lesson. Ayos lang. Walang bago. Natural na yung parte ng pagiging medtech ko.
Political Science.
Ayoko ng pulitika. Pero gusto ko mag-isip. Mag-react. Makialam. At magsulat. Kaya ako pumapasa ng history, dahil sa pag-sulat. At ang dagdag pa dito, kwela si ma’am. Hindi boring para sa pang-tanghaliang klase. Presentation of reports lang kami bukas. By group, visual representation ng Article 2. Siyempre, sa idea lang ako. Wala akong talento sa drawing na maipapa-malas (pwera na lang kung si Mad Benny, ang favorite kong drawing, ang kailangang i-presenta.)
PE.
3:00PM. Mula 12 hanggang 3PM, wala na akong klase. Tutunganga na naman ako. Walang ginagawa kundi pag-chismisan ang mga HRM student ng aming eskwelahan na mukhang espasol sa aming harapan. May pawis pawis pa minsan, mukhang binuhusan ng harina. At heels na hindi na pantay sa sobrang bigat ng kanang parte ng katawan. Tatlong oras. Tatlong oras ko lang namang ginagawa yan tuwing Miyerkules ng hapon.
Pagkatapos manglait.. Basketball na. Hanggang 4:30 ng hapon. Uuwi ako ng tagtag na tagtag pagkatapos ng laro.
Walang bago. Yan ang buhay ko tuwing Miyerkules at Sabado. Pero gustong gusto kong pumasok. Tuwing Miyerkules at Sabado lang kasi ang maluwag kong schedule. Yung iba, nevermind. Patayan. Puyatan. Para kang nakikipag-bakbakan para lang may maisagot sa bawat klaseng papasukan.
Ngayon lang ako nag-post ng ganito kahaba. Naisipan ko lang i-share ang aking buhay mamaya. Matutulog na kasi ako at alam kong pag-uwi ko mamayang hapon, mag-aaral na naman ako.
At sa mga SMP dyan,
Huwag malungkot. Mahal kayo ng mga nanay at tatay niyo. :D
To my foreign followers,
I’m sorry but this post is written in Filipino. =) I’ll be posting something relevant in English someday.

